Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagmamatigas ng pamahalaang Aquino sa isyu ng DAP, posibleng lumikha ng constitutional crisis — political analyst

$
0
0

Professor Ramon Casiple, isang political analyst (UNTV News)

MANILA, Philippines — Constitutional crisis ang posibleng malikha kung patuloy na nagmamatigas ang Malakañang na legal ang Disbursement Acceleration Program o DAP.

Inihayag ng pangulo sa kanyang televised speech noong Lunes na maghahain siya ng motion for reconsideration sa desisyion ng Supreme Court na unconstitutional ang DAP.

Sinabi ng political analyst na si Professor Ramon Casiple, tila malabo nang mabaligtad pa ng Supreme Court ang 13-0 decision tungkol sa DAP.

Ayon kay Casiple, malaking kwestyon ngayon kung anong mga susunod na hakbang na gagawin ng executive branch.

“Hindi pa crisis yung ngayon, pero what if in-assert ng Supreme Court yan and then hindi sinunod? Puro masama na ang scenario after that. Pwede niyang i-allegate ang Supreme Court, ibagsak niya. Pwede siyang mag-martial law, pwede niyang i-impeach. Yung ganung frame na matigas na position, pupunta sa ganung scenario.”

Ayon kay Casiple, karaniwan nang legislative ang nakakabangga ng executive branch samantalang nagsisilbing arbiter ang judiciary. Sa pagkakataong ito, tila imposibleng mamagitan ang kongreso sa banggaan ng ehekutibo at hudikatura lalo’t ang isyu ay paggamit ng pondo.

Hindi ito ang unang pagtatanggol ng presidente sa DAP.

Unang ipinagtanggol ng pangulo ang DAP noong isang taon matapos na ibunyag ito ni Senator Jinggoy Estrada sa kanyang privilege speech.

“May hinahanap sana akong bago eh mukhang wala. In fact, nadiin pa lalo yung matigas na position ng executive versus Supreme Court. I hope hindi mapunta doon. In fact, the president warns against it kaya lang ang context niya eh iatras ninyo na para hindi tayo pupunta sa situation sa standoff. May problema tayo rito na wala nang ibang mag-referee kasi nga kinuwestyon nang executive ang Supreme Court mismo.”

Upang huwag lumala ang sitwasyon, tanging pag-atras at pag-respeto sa desisyon ng Korte Suprema ang nakikitang paraan ni Casiple.

“Based on the principle ng ating demokrasya, ibig sabihin, respetuhin dapat ni President Aquino yung desisyon at take the lessons. Mag-appologize kung ano man ang kinakailangan. Magtanggal ng tao kung kinakailangan pero let’s go on our lives.” (Pong Mercado, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481