Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga residente sa Quezon city at Marikina, maagang nagsilikas para sa bagyong Glenda

$
0
0
Nagsilikas na habang maaga ang ilang mga residente sa Quezon City at Marikina bunsod ng bagyong Glenda (UNTV News)

Nagsilikas na habang maaga ang ilang mga residente sa Quezon City at Marikina bunsod ng bagyong Glenda (UNTV News)

MANILA, Philippines — Kahit ilang oras lamang nanalasa sa Metro Manila ang bagyong Glenda, ramdam ang epekto dahil sa mga ari-ariang nasira, imprastraktura at sa mga nabuwal na puno sa kalsada.

Ilang mga kalsada ang hindi nadaanan ng mga sasakyan matapos itumba ng malakas na hangin ang mga puno at poste ng kuryente.

Mabilis na umakyat ang tubig sa San Mateo River dahilan kaya nagmadaling lumikas ang mga residente sa Brgy. Banaba, Marikina city.

Umabot sa hanggang hita ang baha sa barangay. Kanya-kanya nang likas ang mga residente kasama ang kanilang mga alagang hayop.

Bitbit ang kanilang mga gamit sa bahay at ilang damit, mas pinili nilang magtiis sa siksikang evacuation center kaysa makipagsapalaran sa tubig baha.

“Nararamdaman na po kasi namin na parang tataas yung baha, saka para maka-make sure kame na ligtas yung mga gamit namin”, pahayag ni Joycel Agudo na isang residente sa Brgy. Banaba.

Ang Brgy. Bagong Silangan sa Quezon city, natuto na sa mga nagdaang bagyo. Hindi na nahirapan pa ang mga otoridad na hikayatin silang lumikas.

Mahigit 100 pamilya ang nasa evacuation center. May sakit man ang ilan sa kanila, nakaalalay ang Philippine Red Cross para sa atensyong medical.

“Salamat sa Dios at naging maayos ang lahat. Walang nasaktan, walang namatay. Maayos ang lahat”, saad ni Brgy. Bagong Silanganan Captain Kristel Joy Beltran.

Nang bahagyang gumanda ang panahon, unti-unti nang nagbukas at balik hanapbuhay ang mga tindahan at estalisimiyento.

Kanya-kanyang linis na ang mga residente sa mga punong natumba sa kanilang mga bahay at sa mga sangang nakakalat sa kaldasa.

Ang DPWH ay abala na rin sa pag-aalis ng mga debris na naiwan sa mga kalsada upang hindi maging abala sa mga morotista. (Grace Casin, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481