MANILA, Philippines — Inilikas sa mas ligtas na lugar mula sa flood-prone areas sa Manila ang mga residente mula sa Baseco, Isla Puting Bato, Happy Land at Old Sta. Mesa.
Ilang oras bago manalasa ang bagyong Glenda, ipinatupad ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mandatory evacuation sa mga residente sa mga naturang lugar.
Batay sa impormasyon ng City DRRMO, nasa 256 na pamilya o katumbas ng 1,286 na indibidwal ang nag-evacuate at nagtungo sa Baseco Evacuation Center.
Ayon sa mga evacuee, alam na nila ang gagawin sa tuwing may bagyo.
Bagamat walang naiulat na nasugatan sa mga residente ang City DRRMO, ilang bubong ng mga bahay sa Baseco nang tinangay ng malakas na hangin.
Sa pagiikot ng UNTV News, hindi bababa sa anim na bahay ang sinira ni Glenda.
Wala namang naitalang pagguho ng lupa sa mga landslide prone areas.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang asessment ng lokal na pamahalaan sa lawak ng pinsalang idinulot ng bagyong Glenda sa Baseco. (Bianca Dava, UNTV News)