Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga puno sa Malacañang compound, nabuwal; Ilang sasakyan, nabagsakan

$
0
0

Ang mga puno sa Malacañang compound ay nabuwal dahil sa pagbayo ng malakas na hanging dala ng bagyong Glenda at ang ilan sa mga ito ay bumagsak sa mga sasakyang nandoon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Ilang oras bago dumaan ang Bagyong Glenda sa Metro Manila, ilang residente na sa Barangay Araneta at Maria Clara sa Talayan, Quezon City ang nailikas ng Barangay Public Safety Office (BPSO) sa mas ligtas na lugar.

Ayon kay Antonio Reyes, BPSO ng Quezon City, natuto na ang mga residente sa mga nakaraang kalamidad kaya naman agad nilang inilipat sa mas ligtas na lugar ang may dalawampung pamilya at limampung mga bata, bago tuluyang tumaas ang tubig baha sa lugar.

“Kumbaga nagpanic kasi naabisuhan po ng mas maaga.”

Dagdag pa nito, “lahat po ng mga kabarangay namin kailangan mai-safety na po ng mas maaga kaysa bigla hong tumaas yung tubig.”

Ang mga lugar sa Araneta Avenue at ilang kalye sa E. Rodriguez ang unang lumulubog sa baha kapag malakas ang ulan.

Samantala, maraming puno sa loob ng Malacañang compound ang ibinuwal ng Bagyong Glenda. Ilan sa mga nakaparadang sasakyan sa loob ng compound ang nabagsakan ng puno.

Nagkayupi-yupi ang mga sasakyan at nahirapang tanggalin ng engineering department ang mga dumagan na malalaking puno.

Kaugnay nito, ipinagpaliban na lamang ng pangulo ngayong araw ang nakatakdang public engagement at sa halip ay tumutok na lamang sa pagmomonitor sa mga lugar na dinaanan ng bagyo. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481