Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, isa sa mga highlight sa ika-4 na SONA ng Pangulo

$
0
0
FILE PHOTO: Ang Makati Business District kuha mula sa eroplano. Ang mga nagtataasang mga gusaling ito ng pang-komersyo ang simbulo ng pag-unlad ng bansa? (RYAN MENDOZA / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang Makati Business District na kuha mula sa isang eroplano. Ang mga nagtataasang mga gusaling ito ng pang-komersyo ang simbulo ng pag-unlad ng bansa? (RYAN MENDOZA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Itinuturing na isa sa mga major accomplishment ng administrasyong Aquino ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa kaniyang talumpati kaninang umaga, ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino III sa oath taking ceremony ng mga miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang bahagi ng 2013.

“The Philippines is now rated investment grade for the first time in history by, I believe, three major credit rating agencies. Our economy grew by a remarkable 7.8 percent in the first quarter of 2013. Add to this countless other indicators of economic growth, and you have a situation where even greater prosperity is within reach.”

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, ang magandang takbo ng ekonomiya ng bansa ang isa sa mga maituturing na malaking tagumpay ng kasalukuyang administrasyon.

Kaya naman inaasahan na magiging tampok ito sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa Hulyo.

Dagdag pa ng kalihim, sinimulan na rin nilang likumin ang ibang mahahalagang datus na isasama sa SONA ng Pangulo.

“’The CabSec is now tracking the accomplishments ng bawat ahensya tapos yung PMS is also tracking promises made from previous SONA,” ani Lacierda. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481