MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ngayong araw (Martes) ng 5th division ng Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ni Sen. Jinggoy Estrada na makapagpiyansa sa kinakaharap nitong kasong plunder kahit non-bailable ito.
Sa court hearing, masyadong marami ang naging objections ng abogado ni Estrada dahil sa mga dokomentong iprinisinta ng prosekusyon.
Muling sumalang ang field investigation officer ng Ombudsman na si Vic Escalante at kinumpirma ang ilang dokumento na iniharap ng prosekusyon na agad namang tinutulan ng depensa.
“They are identifying documents which we have previously marked and sinasabi nila katulad nung ibang mga documents are untitled,” pahayag ni Atty. Alexis Abastillas-Suarez, abogado ni Sen. Jinggoy Estrada.
Hiling din ng kampo ni Estrada na iharap na ng prosekusyon ang mga whistleblowers sa pagdinig ng korte.
Samantala, dahil holiday sa susunod na Martes ay sa Augsut 5 na lamang muling ipagpapatuloy Sandiganbayan ang pagdinig sa mosyon ng senador na makapagpiyansa sa kasong plunder. (Joyce Balancio / Ruth Navales, UNTV News)