Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 flight recorder ng Malaysia Airlines MH17, ibinigay na ng mga rebelde sa Malaysian experts

$
0
0

Ang turnover ng 2 black box ng Malaysian Airlines MH 17 na pinangunahan ni Pro-Russian Separatist Leader Aleksander Borodai. (Screenshot from a REUTERS video)

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pro-Russian Separatist Leader Aleksander Borodai ang pagbibigay ng dalawang black box ng Malaysia Airlines Flight MH17 sa mga Malaysian expert sa bayan ng Donetsk ngayong araw.

Matapos ang hand over, isang dokumento ang nilagdaan ng magkabilang panig na patunay na nasa mga kamay na ng Malaysian experts ang mga flight recorder.

Nagpasalamat naman ang Malaysia sa desisyon ng grupo na ibigay ang black boxes.

“I would like to convey our sincere appreciation to His Excellency Mr. Borodai for giving us the opportunity and attain our special request to him, for handing over the two black boxes to Malaysia. This is the property of Malaysia,” pahayag ni Malaysian Representative Colonel Mohamed Sakri.

Ang mga tren naman na naglalaman ng mga labi ng mga biktima ay dadalhin sa The Netherlands upang sumailalim sa otopsiya.

“The remains of 282 people, currently in Torez, will be moved by train to Kharkiv, where they will be handed over to representatives from the Netherlands. The train will depart this evening and will be accompanied by six Malaysian members of the recovery team. The remains will then be flown to Amsterdam on board a Dutch C130 Hercules, together with the Malaysian team,” saad naman ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.

Samantala, tiniyak naman ng Organization for Security and Co-operation in Europe (OSCE) ang seguridad ng mga Malaysian expert na nakikipagnegosasyon sa mga rebelde.

Ayon sa tagapagsalita ng OSCE na si Michael Bociurkiw, hindi pamilyar ang Malaysian authorities sa Ukraine kaya kailangan silang samahan at alalayan.

Aniya, kahit ang mga Dutch expert ay nakaramdam rin ng tensyon habang bumibiyahe sa lugar ng mga rebelde kahit pa nakarating na ligtas sa railway station malapit sa crash site.

“We have said publicly that the crash sites are in a conflict zone, the situation is very fluid and it’s a very difficult kind of operating environment,” ani Bociurkiw.

Kahapon ay inaprubahan ng United Nations Security Council ang resolusyon na pinagkakalooban ang international investigators ng full access sa crash site.

Pinatitigil din ang military activities sa eastern Ukraine upang mabigyan ng seguridad ang mga imbestigador. (James Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481