SYDNEY, Australia — Nagsisimula pa lang ang imbestigasyon sa pagbagsak ng Malaysian Airlines Flight MH17 ay kabi-kabilang balakid na ang kinakaharap ng mga imbestigador sa mismong crash site.
Kumukuha pa ng ebidensya at posibleng bahagi ng katawan ng mga unaccounted na pasahero ng eroplano ang mga imbestigador sa crash site.
Ayon sa Ukraine State Emergency Services at Dutch Police Team, kinukuha ng mga rebelde ang kanilang mga tent sa base camp at kung minsan ay hinahabol rin sila ng mga armadong kalalakihan.
“There are still some lunatics taking cautions (actions) that it is very hard for us to get to the bodies, to get to the remains. You call it terrorists, to me it is criminals, but it is very nearly the same”, pahayag ni Dutch Police Head Jan Tuinder.
Bunsod nito magpapadala na ng limampung police officers ang Australia upang matiyak ang seguridad sa crash site.
“We want deploy them as quickly as possible because right now, there could well be remains exposed to the European summer, exposed to the ravages of heat and animals so the quicker we can deploy a team, the quicker we can get the area thoroughly and professionally searched, the better for everyone”, saad ni Australian Prime Minister Tony Abbott.
Kamakailan ay kinondena ang umano’y paglilinis ng mga rebelde sa mga ebidensya sa crash site upang pahirapan ang mga nag-iimbestiga sa trahedya.
Samantala, ilang mamamayan ng Australia ang nagpahayag ng galit sa mga rebelde na itinuturong may kagagawan ng pagsabog.
“I got up and watched TV and it’s gone, been blown out of the sky by Russian militants and that’s what we’ve been told on the news so it’s a bit of a disgust”, ani Tristan White na isang residente sa Canberra, Australia.
“It was just flying across and just doing it innocent thing and they thought that it was a spy plane and the Russia rebels shot it out of the sky after realize shooting it on the sky they went to the site and found out there was innocent children and innocent families”, wika ni Henderson na isa ring residente sa Canberra.
Bukas ay nakatakdang i-repatriate na sa the Netherlands ang mga nalalabing bangkay na unang narekober sa Ukraine .
Para sa mga kaanak ng 28 Australian citizens at walong non-citizen residents na nasawi sa trahedya, hindi man magiging madali, patuloy silang magbabantay hanggang sa makamit ang hustisya para sa kanilang mahal sa buhay. (Nina Del Rosario, UNTV News)