MANILA, Philippines — Magkakaiba ang naging reaksyon ng ilang kasamahan ni Senator Juan Ponce Enrile sa kanyang pagbibitw sa pwesto.
Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV na isa sa mga kritiko ni Senator Enrile, patuloy na susulong ang bansa nasa puwesto man ito o wala.
“Wala, walang na-accomplished, it just provided drama for the day but the country will move with or without him.”
Sinabi naman ng kaalyado ni Enrile na si Senator Ping Lacson na matagal nang masama ang loob ng beteranong senador mula nang maging personal ang pag-atake sa kanya ng mga kapwa-senador.
“Matagal ng masama ang loob nya sa mga nagyayari sa senado nagsimula ito mula ng inaatake sya personally.”
Ayon naman kay Senador Franklin Drilon na maugong na common candidate sa pagka-senate president ng administrasyon, hindi ito nangangahulugan na tuloy na ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Senado sa 16th congress.
“Walang ‘tuloy na tuloy na dito’. Tayo po ay ibig nating tulungan ang pangulo sa kanyang agenda kaya ko kinakausap ang mga senador at nasa kanila pagpapasya.”
Mahigit apat na taon ding naglingkod si Enrile bilang senate president sa 15th congress. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)