QUEZON CITY, Philippines — Mula pa kagabi ay nakaalerto na ang buong pwersa ng UNTV News and Rescue Team partikular dito sa National Capital Region para sa State Of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.
Limang team, katumbas ng 25 tao ang nakadeploy ngayon, isa sa north gate ng Batasang Pambansa, isa sa Batasan road, at 3 team sa Commonwealth kung saan dadagsa ang mga raliyista.
Sa pakikipagugnayan ng Philippine National Police sa News and Rescue humingi sila ng dagdag na pwersa upang magsilbing standby medics na magbibigay ng paunang lunas sa sinomang msasaktan kung sakaling magkaroon ng gulo sa pagitan ng ga demonstrador at mga pulis.
Samantala, pasado alas otso kanina, isang cameraman ng ABS-CBN ang nilapatan ng paunang lunas ng News and Rescue matapos masugatan nang madikit sa mga barb wire na nakalagay sa kalsada.
Nagtamo ng sugat sa kamay si Generoso Villanueva Jr. at agad na binigyan ng first aid. (Benedict Galazan, UNTV News)