Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

UNTV News and Rescue Team, rumesponde sa sugatang mag-ina na nabangga sa QC

$
0
0

Agad na rumesponde and UNTV News and Rescue Team at iba pang rescue units sa naganap na banggaan ng isang UV Express at jeep sa Commonwealth Avenue, QC kaninang madaling araw, Huwebes (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Mabilis na nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at iba pang rescue units ang naganap na banggaan ng isang UV Express at pampasaherong jeep sa east bound lane ng Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan, Quezon City kaninang madaling araw, Huwebes.

Bumangga ang UV Express sa pampasaherong jeep habang nagsasakay ito ng mga pasahero. Dahil sa malakas na ulan, naipit ang mag-ina na kinilalang sina Karen at Francine Dela Cruz, 10 taong gulang.

“Nagaabang sila parating naman yung FX, mabilis kaya pagsakay nila sumalpok,” pahayag ni Leonardo Bia na nakasaksi sa pangyayari.

Ang madulas na kalsada ang tinuturong dahilan ng aksidente.

“Hindi talaga ito nakapagprepare magpreno dahil mayroong sumasakay nakatigil yun e kasi nga sasakay nga eh pero ito (FX) yung biglang sumalpok,” saad naman ni Cesar Tiberio, saksi.

Posibleng bali sa kanang binti ang tinamo ng mag-ina dahil sa pagkakaipit.

Nagtulung-tulong naman ang UNTV News and Rescue Team, Philippine Red Cross at Department of Public Order and Safety ng Quezon City upang madala sa East Avenue Medical Center ang mga biktima. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481