Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

10 civilian informants ng illegal drugs, tumanggap ng pabuya mula sa PDEA

$
0
0

Ang isa sa 10 informant sa illegal drugs na si Spartacus na nakatanggap ng P1.2M na reward money mula sa PDEA. Kasama rin sa rewarding ceremony si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Sampung civilian informants na naman ang binigyan ng reward ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa P5.8 million cash.

Ayon kay PDEA Undersecretary Dir. Gen. Arturo Cacdac, ang mga ito ay kinabibilangan nina Shoal, Philly, Master, Gohan, Daredevil, Bigboy, Superman, Thunder, Spartacus at Wildcat na nagbigay ng mga impormasyon upang maaresto at matunton ang mga high value drug personality.

“It is PDEA’s intention to ensure that the Filipino people will better feel PDEAs’ presence by focusing on high value targets and high impact anti-drug operations.”

Sinabi pa ni Cacdac na sa sampung mga informant, si Wildcat ang nakatanggap ng may pinakamalaking reward na aabot sa P2 million dahil sa pagkakakumpiska sa 24 kilograms ng ephedrine at 27.5 kilograms ng methamphetamine hydrochloride or Shabu Sa Brgy. Tambo,Parañaque noong Pebrero 12, 2014.

Si Spartacus naman ay nakatanggap ng mahigit P1.1m matapos naituro ang 17.48 kilogram ng shabu at pagkaka aresto sa dalawang drug personalities sa Zamboanga International Airport noong November 8, 2013.

Mahigit P700-libo naman ang nakuha ni Thunder matapos na makumpiska ng PDEA ang 10.10 kilograms ng shabu at pagkaka-aresto sa 3 drug personalities sa isang buy bust operations sa Roxas Blvd. Pasay City noong Pebrero 27, 2014.

“We have adopted various strategic initiatives in order to become a highly competitive and credible organization,” ani PDEA Undersecretary Director Gen. Arturo Cacdac.

Paliwanag ng PDEA, tinatapatan nito ng karampatang halaga ang mga impormasyong ibinibigay sa kanila ng mga impormante upang mahuli ang mga taong nasa likod ng ilegal na droga.

Sa datos ng PDEA, nasa mahigit 6 na bilyong pisong iligal na droga ang nasamsam ng ahensya mula July 2013 hanggang June 2014.

Mahigit sa 10-libong drug suspek ang nasakote at 14,540 ang bilang ng mga kasong naisampa.

Ang nabanggit na datos ay bunga na rin ng 9,374 na ginawang anti-drug operation. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481