Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P1.5 million cash prize, naihandog na ng Cavaliers sa AFP General HQ

$
0
0

Ang pag-turnover ng AFP Cavaliers ng P1.5M UNTV Cup Season 2 champion cash prize sa AFP-EBSO o ang scholarship foundation ng AFP para sa mga anak ng sundalong namatay o nabaldado sa labanan. Ang naturang event ay dinaluhan mismo ni
AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Lt. Gen. Virgilio Domingo ng AFP-EBSO at ng Team AFP Cavaliers sa pangunguna ni Head Coach Col. Alfredo Cayco. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Iprinesenta na ng AFP Cavaliers sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo ang napanalunan nito sa UNTV Cup season 2.

Tinanggap ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang ang tseke na nagkakahalaga ng P1.5 million.

Inihandog naman ng heneral ang tseke sa AFP Educational Benefit System Office na siyang chosen beneficiary ng Team AFP.

Ayon kay Lt. Gen. Virgilio Domingo ng AFP-EBSO, malaking tulong ang halagang naibigay ng UNTV upang masuportahan ang pag-aaral ng mga naulila ng mga sundalo.

“Hindi rin naman ganun kalaki ang sweldo ng isang sundalo so yung iba nasusugatan at meron sinasawimpalad na mamamatay. Itong halagang ito na 1.5 million pesos ay malaking bagay ito para sa mga anak ng ating kasundaluhan. Maraming salamat sa UNTV sa pabuya o premyo na ibinigay nila sa aming basketball players.”

Sa kasalukuyan ay mayroong 4,322 ang enrolled sa scholarship program ng AFP-EBSO sa buong kapuluan. Isa dito si Cayner Curitana, anak ng isang army na nasawi habang gumaganap ng tungkulin.

Sa pamamagitan ng AFP EBSO, nakakapagpatuloy sya sa pag-aaral at kasalukuyang architecture student sa isang unibersidad sa Maynila.

Kwento ni Cayner, “Namatay siya sa service noong 7 years old po ako. Devastated po family naming noon. Hindi ko po ma-imagine may gantong program sa mga anak ng sundalo. Luckily po sa tulong po ng UNTV Cup, mas mapagpapatuloy pa pag-aaral ng mga anak ng sundalo.”

Dagdag pa nito, “Kuya Daniel, maraming maraming salamat po kasi sobrang laking tulong po nito kasi yung AFP-EBSO po. Mas marami pa pong mapag-aaral na mga anak ng sundalo gaya ko.”

Bagamat hindi napunta sa mga player ng Cavaliers ang cash prize, buong puso silang nakipaglaban sa loob ng hard court upang magkaroon ng bahagi sa scholarship foundation ng AFP.

“Nagpapasalamat kami kay Kuya Daniel Razon sa programang inilunsad niya na basketball Cup. Si CS (AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang) talagang sumusuporta sa amin yan. Sa suporta niya nagkaroon kami ng mga rubber shoes. Ngayong Season 3 gagawin namin ang magagawa namin para makuha uli ang championship,” pahayag ni Team AFP Cavaliers Head Coach Col. Alfredo Cayco (PAF).

Binigyang pagkilala naman ng bagong talagang Chief of Staff ang AFP Cavaliers para sa karangalang dinala nito sa
Sandatahang Lakas.

Mensahe nito sa team, idepensa ang hawak na titulo alang-alang sa kanilang mga benipisaryo.

“Of course, natutuwa ako dahil nanalo tayo sa Championship. Siguro mag-relax muna and then after that they can start practicing again so that they will win back to back win for the next season,” pahayag pa ni Catapang. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481