CEBU CITY, Philippines — Kasabay ng paglaki ng ating populasyon ay ang pagtaas din ng demand sa mga blood donors upang matugunan ang pangangailangan ng dugo ng ating mga kababayang may karamdaman.
“We are now one hundred million, so we need have a supply of blood good for one million, so in any disaster we have a supply but that is only a minimum one percent, but if we can go much higher much better,” saad ni Philippine Red Cross (PRC) Central Visayas Board of Directors Chairman, Atty. Allan Nicolas Ouano.
Kaya naman tuwing ikatlong buwan ng bawat taon, nagsasagawa ng mass bloodletting ang Members of Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Bro.Eli Soriano at UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.
Dahil dito, ginawaran ng Testimonial Plaque ng Philippine Red Cross ang MCGI sa Central Visayas.
Nais nilang maipaabot ang pasasalamat sa tuloy-tuloy pagsuporta ng grupo sa nakalipas na sampung taon.
“To bro.eli and the rest, daghang kaayong salamat, for your support we have a successful every three months na blood donation activity,” saad ni PRC Central Visayas Blood Center Manager Amour Cielo Cantillas, MD.
Pinasalamatan din ng PRC ang all out support ni Kuya Daniel Razon dahil sa patuloy na pagkampanya ng himpilan nito upang hikayatin ang publiko na magdonate ng dugo kahit isang araw lang. (Bryan Evangelista, UNTV News)