CEBU CITY, Philippines – Sugat sa tuhod at pananakit ng katawan ang tinamo ng isang call center agent na tumilapon mula sa inaangkasang motorsiklo matapos itong mabangga ng isa pang motorsiklo sa Maguikay St. Mandaue City Cebu mag-aalas dose ng hatinggabi kagabi.
Kinilala ang biktima na si Johanna Baguio.
Agad naming nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team-Cebu ang biktima at saka dinala sa ospital.
Ayon sa driver ng nabanggang motorsiklo, nasagi ang kanyang manibela ng biglang mag-overtake ang sumusunod na motor na naging dahilan ng kanilang pagsemplang.
“Dalawang lalaki yung nakabangga.. Parang sabog yun sila.. walang helmet. Nag-aalala na ako dun sa kaangkas ko, ako kasi incharge dun, kapitbahay ko yun at saka bata pa,” saad ni Perigrino Kalakat, driver ng habal-habal.
Mabilis namang tumakas ang driver ng nakasaging motorsiklo matapos ang aksidente. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)