Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Problema sa kuryente nasa Lanao del Sur, inaasahang malulutas ng binuong task force ng Malakanyang  

$
0
0

ARMM Regional Governor Mujiv Hataman (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines — Kasalukuyan ngayong nagpupulong sa Marawi City, Lanao del Sur ang mga miyembro ng binuong task force ng Malakanyang upang lutasin ang mahigit isang taon nang problema sa kuryente ng lalawigan.

Ang komite ay pinangungunahan ng Department of Energy, Department of National Defense, DOJ, ARMM Regional Government at Mindanao Development Authority.

Sa 40 bayan ng Lanao del Sur, 36 dito ang nakararanas ng browout matapos na putulan na putulan ng supply na kuryente ng ng Lanao del Sur Electric Cooperative dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwanang bill.

Ngunit ayon sa lokal na pamahalaan, walang basehan ang kumpanya upang singilin ang itinakdang halaga sa ilalim ng “pakyawan system” dahil wala naman umanong metro ang mga tahanan sa maraming munisipalidad ng lalawigan

Kaya iginiit ng provincial government sa LASURECO na maglagay ng metro ng kuryente sa bawat tahanan upang maging basehan ng paningil sa kuryente.

Ani ARMM Governor Mujiv Hataman, “Una, yung metering kasi ito yung una, eh. Strategic solution sa problema dahil ang problema lang, karamihan sa mga residente ng Lanao del Sur wala silang meter tungkol sa ilaw. So, ito yung unang aayusin.”

Samantala, isa rin sa lulutasin ng binuong task force ay ang problema sa Davao del Norte Electric Cooperative na parehong pinamamahalaan ng National Electrification Administration at Cooperative Development Administration.

Dahil nagdudulot ito ng kalituhan sa mga consumer at nakaka-apekto sa serbisyo ng kooperatiba. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481