Estados Unidos – Nasa maayos ng kalagayan ang anak ng yumaong pop singer na si Michael Jackson matapos mag-tangkang magpakamatay kanina, Miyerkules sa Amerika.
Isinugod sa isang ospital sa Los Angeles si Paris Jackson matapos na maglaslas ng kanyang pulso.
Bukod dito uminom din umano si Paris ng 20 ibuprofen pills.
Ayon sa dating misis ng king of pop na si Debbie Rowe, may pinagdadaaanan si Paris nitong mga nakaraang araw kaya umano marahil nagtangka itong magpakamatay. (UNTV News)