Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Power ballad na genre ng ASOP Year 3 finals, nai-record na

$
0
0

Ang recording ng ASOP Finalist na “May Awa ang Dios” sa BMPI Recording Studio. Makikita sa larawan ang interpreter na si Beverly Caimen habang pinagmamasdan ng composer na si Louise Lyle Robles. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ngayong taon, isang power ballad genre na naman ang nakapasok sa grand finals ng A Song of Praise Music Festival (ASOP) nitong Linggo.

Ito ay ang awiting “May Awa ang Dios” ni Louise Lyle Robles na aawitin ng international singing champion na si Beverly Caimen.

“Medyo may mga binago lang po, abangan na lang po nila kung ano po yung mga nabago ngayon at sigurado pong pang-festival at pang grand finals po yung mga binago naming,” saad ni Beverly.

“Napakaganda po ng kinalabasan, lalo pong naging maganda yung arrangement nung song, tapos po nakanta pa po ni Beverly ng talagang… parang hindi ako makahinga pag pinapanood ko sya,” masayang pahayag ni Louise.

Kahit sanay sa patimpalak ng awitan si Beverly, aminado syang ibang kaba ang dulot ng naturang kompetisyon lalo na’t praise song ang kanyang aawitin.

“Ang pagkakaiba lang po is nag-iinterpret po ako ng song medyo siguro babawasan ko na lang yung nerbiyos ko kasi para kay God ‘to eh pagbibigay na papuri para sa Kanya,” saad ng magaling na singer. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481