NEW YORK, USA — Inilabas na ng New York Police Department (NYPD) ang composite sketch sa suspect sa pang-aatake na ikinasawi ng isang Pilipino sa Woodside, Queens noong June 21.
Nasawi si Robert Martirez matapos ang limang araw na pagkaka-ospital dahil sa matinding injury matapos siya’y suntukin ng isang lalaki habang papaalis sa isang restaurant sa Roosevelt Avenue.
Ang suspek ay inilarawan na isang hispanic male, nasa 30 taong gulang at may taas na 5 feet 6 inches hanggang 5 feet 7 inches.
May suot ito na puting tshirt, blue jeans at dark baseball cap ng mangyari ang pang-aatake.
Una rito ay pinabulaanan ng NYPD na hate crime ang insidente dahil posible umanong nagsimula ang pag-aaway ng dalawa dahil sa World Cup. (UNTV News)