Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Vetoed bills sa Kamara, umabot sa 71

$
0
0

IMAGE_UNTV-News_JUN062013_VETOED BILLS

MANILA, Philippines — Aminado ang pamunuan ng mababang kapulungan ng Kongreso na nagkulang sila sa kalkulasyon sa pagpapasa ng ilang mga batas sa Kamara.

Umabot kasi sa 71 ang mga vetoed bills o mga batas na naipasa ng dalawang kapulungan ng kongreso subalit hindi nilagdaan ng presidente dahil sa mga probisyon na hindi katanggap-tanggap para sa Pangulo.

Ayon kay Deputy Majority Leader Janet Garin, karamihan sa mga panukalang batas na ito ay road conversion na hindi pinayagan ng executive branch.

Paliwanag ng kongresista, layon ng mga panukalang batas na gawing national road ang ilang provincial road ngunit karamihan dito ay hindi kayang pondohan ng gobyerno.

“Gagawing national road ang provincial road tapos yung maintenance nun eh sa national na pero yung IRA na ibinigay sa LGU para sana sa road eh nasa kanila pa.”

Kasama rin ang Magna Carta for the Poor sa mga hindi nalagdaan ng pangulo.

Nakapaloob sa batas na ito na kailangang bigyan ng bahay ang mga benepisaryo subalit nangangailangang naman ng pondong dalawa hanggang tatlong trilyong piso.

“Baka pag naipasa yan sasabihin ng mga beneficiaries, nasa batas kailangan ako bigyan ng bahay dapat bigyan ako, tapos sasabihin na ‘pag di nabigyan eh aakusahan ko kayo,” pahayag pa ni Garin.

Isa rin sa dahilan ay ang kakulangan ng panahon ng Bicameral Conference Committee para sa mga probisyon na nais baguhin dahil naging abala na ang marami sa eleksyon.

Sinabi pa ng mambabatas na sa ngayon ay umaabot sa apat na bilyong piso ang unfunded laws na naipasa sa mga nagdaang administrasyon kaya hanggang ngayon ay hindi maipatupad.(Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481