MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na possible pang mabawasan ang mga kinatawan ng Buhay Hayaan Yumabong (BUHAY), Magdalo at An Waray party-lists.
Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na naka-hold pa sa ngayon ang kabuoang bilang ng pwesto na inilaan sa mga ito dahil mayroon pang halos 30-libong uncanvassed votes at 5 reserve slots na maaaring makaapekto sa resulta ng mga nanalong partylist.
“Sa initial agreement namin, we can proclaim already 2 from Buhay, 2 from others, one from Magdalo, 1 from An Waray. Lahat ng 1, until 53. Tapos naka-hold 5 sa ilalim at 3 naka-hold sa taas – Buhay, Magdalo at An Waray.”
Matatandaang naiproklama na ang 53 party list at kasama sa mga ito ang BUHAY na may 3 pwesto, 2 sa Magdalo at 2 rin sa An Waray.
“Malamang mahihirapan na sa 1,2 & 3 pero mathematically pwede pang maabutan and we want to be very safe anyway matatapos naman ito before June 30,” pahayag pa ni Brillantes.
Samantala dahil sa status quo ante (SQA) order ng Supreme Court ay may naka-reserve nang upuan para sa Senior Citizens party list
Ani Brillantes, “ang pinare-reserve lang sa amin ng SC is sa Senior Citizens, miski yung sa Abang Lingkod wala, so kung Senior Citizens isang seats lang yun.” (JP Ramirez & Ruth Navales, UNTV News)