Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pag-aangkat ng 500-libong metriko tonelada ng bigas, isinalang sa pre-bidding ng NFA

$
0
0

Ang pre-bidding conference na isinagawa ng National Food Authority na dinaluhan ng mga international traders mula sa Thailand, Cambodia at Vietnam para sa aangkating 500,000 metriko tonelada ng bigas. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Aangkat ang National Food Authority (NFA) ng panibagong batch ng bigas na aabot sa 500-libo metriko tonelada at nagkakahalaga ng P10.2 billion.

Ito’y base na rin sa pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang nakaraang SONA.

Ayon sa NFA, magsisilbi itong buffer stock o reserba ng pamahalaan sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyermbre kung kailan madalas nagkakaroon ng kalamidad.

Nitong umaga ng Lunes, nagsagawa ng pre-bidding conference ang NFA na dinaluhan ng mga international traders mula sa Thailand, Cambodia at Vietnam.

“Siyempre kailangan meron tayong buffer stock lalong-lalo na yung last quarter marami tayong bagyo ay matutugunan natin yung pangangailangan ng ating mga kababayan,” pahayag ni NFA Spokesperson Rex Estoperez.”

“Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa na ngayong magbenta ang mga hoarder ng bigas na nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga hoarder na ito: Kung gusto ninyong makipagmatigasan, okay lang, subukan ninyo ang estado,” pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA.

Nagdagdag na rin ang NFA ng supply ng bigas sa mga pamilihan sa Metro Manila bilang pantapat sa mahal na commercial rice.

Ayon sa NFA, 33-libong sako ng bigas ang isinu-supply ng ahensya sa Metro Manila kada araw, ngunit hindi pa rin nito napabababa sa P40.00 ang bawat kilo ng commercial rice sa mga pamilihan.

“Sa NFA na lang kami bumabawi kahit na humina yung commercial sa NFA ang dami namang bumibili talaga,” ani Jane Romano, tindera ng bigas.

Sa kabuoan ay aabot na sa 1.3 million MT ang naaangkat na bigas ng bansa kabilang na ang unang 800-libong MT na matatapos ang delivery sa Setyembre, bukod pa rito ang 400-libong MT na inangkat noong nakaraang taon subalit nai-deliver lamang sa unang bahagi ng 2014. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481