Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Metro Manila Council, nagkasundo sa pagkontra sa mga colorum na sasakyan

$
0
0
Nagkasundo ang Metro Manila Council sa isang pulong na paiigtingin pa ang laban kontra-colorum na mga sasakyan na pumapasok ng Metro Manila (UNTV News)

MANILA, Philippines — Malaking multa ang kakaharapin ng mga may-ari ng  colorum na mga sasakyan na mahuhuli sa Metro Manila.

Batay ito sa napagkasunduan sa pulong ng Metro Manila Council kasama si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez, Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya at Secretary to the Cabinet Jose Almendras.

“Bukas lahat ng colorum, huhulihin. Walang franchise na FX, bus, taxi, jeep. Not penalize under local penalty but under LTFRB, penalty 1 million, 250 thousand, 500 thousand depende kung anong industriya kabilang,” ani Manila City Vice Mayor Isko Moreno.

“Hindi importante multa kundi maalis ang dapat wala sa kalsada. Average kami ng 20 colorums a day,” saad ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Samantala, ang mga private truck naman hindi na kailangang kumuha ng permit sa LTFRB.

Ayon kay LTFRB Chairman Ginez, hindi nila saklaw ang private trucks.

“They have to bring business permit and documents tapos properly marked trucks ng business nila at not for hire.”

Subalit ang mga trucks for hire binibigyan ng hanggang oct 17 ngayong taon upang makakuha ng prangkisa.

Nanatili namang hanggang August 15 ang palugit upang sila ay magkaroon ng provisional authority kung hindi pa naka- yellow plate.

“Trucks with provisional authority, di pa huhulihin up to October 17. Kung walang franchise after October 17, huhuluhin sila.” (Victor Cosare, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481