MANILA, Phililppines — Nagpahayag kanilang mga rekasyon ang ilan sa mga retiradong heneral na sa ngayon ay may pwesto na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso tungkol sa pagkakadakip ni retired major General Jovito Palparan tatlong taon bago nailabas ang warrant of arrest sa kanya.
Ayon kay retired General Atty. Samuel Pagdilao at retired General Romeo Acop, palaisipan ang tagal ng panahon bago mahuli si Palparan.
Paghayag ni ACT-CIS Rep. Pagdilao, “Alam mo kung nakakapagtago ang tao nang ganoong katagal…. mayroon kayang sumusuporta? Pinaghahanap nga ba siya? These are interesting issue of concerns that’s has a bearing on how our law enforcement operates.”
Para naman kay Kalinga Partylist Rep. Acop, “Through the years, maybe retired General Palparan has developed skills as far as escape and evade is concerned assuming that the authorities are looking for him.”
Subalit naiintindihan naman ng mga heneral na may mga pagkakataon na tumatagal ang paghuli sa mga high profile wanted person dahil sa dami ng mga kaso na inaasikaso sa korte.
Para naman kay retired General at 2nd District Pangasinan Representaive Leopoldo Bataoil, maganda itong pagkakataon upang makagawa sila ng mga batas na susuporta sa modernisasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines hinggil sa pagdakip sa mga most wanted person.
“Titignan namin kung yung capability nila to track down wanted persons and arrest them wherever they are ay sapat upang maaresto ang isang high profile na suspect na katulad ni Gen. Palparan and other suspects na wanted,” ani Rep. Bataoil. (UNTV News)