Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

East Timor Prime Minister Gusmao, nakipagpulong kay Pangulong Aquino

$
0
0
Si Pangulong Benigno Aquino III kasabay si Timor-Leste Prime Minister Rala Xanana Gusmao sa pagdating nito sa bansa. (PHOTOVILLE International)

Si Pangulong Benigno Aquino III kasabay si Timor-Leste Prime Minister Rala Xanana Gusmao sa pagdating nito sa bansa. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Tinanggap  ni Pangulong Benigno Aquino III sa palasyo ng Malakanyang  si  Timor-Leste Prime Minister Rala Xanana Gusmao para sa limang araw na official visit  sa bansa.

Pag-uusapan ng dalawang  lider  ang pagpapalakas ng kooperasyon sa edukasyon, defense, technical cooperation at trade and investment.

Ang Timor Leste o East Timor ay nasa timog-silangang Asya at may 1,066,582 populasyon na karamihan ay katoliko.

Dati rin itong sakop ng Portugal at tinatawag na Portuguese Timor.

Naghahangad ang bansa na maging miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kung saan ang Pilipinas ay isa sa mga founding member nito.

“This visit to the Philippines is part of my program to visit all ASEAN countries this year to strengthen both bilateral and regional ties with our neighbours. Timor-Leste is seeking membership to ASEAN as we believe we can contribute to this dynamic and growing region to which we all belong,” pahayag ni Prime Minister Rala Xanana Gusmão.

Agad namang nagpahayag ng suporta si Pangulong Benigno Aquino sa Timor- Leste na maging ikalabing-isang miyembro ng ASEAN.

“Allow me to express the Philippines support for Timor Leste’s bid to join the ASEAN community, we look forward to working more closely with you in the future in advancing regional dialogue,” pahayag ni pangulong Aquino.

Kasabay nito ay nilagdaan din ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino at mga counterpart sa Timor Leste ang memorandum of understanding (MOA) na may kinalaman sa policy consultation, public works at teachers training.

Umaasa naman si Prime Minister Gusmao na matututo sila sa mga karanasan  ng Pilipinas sa larangan ng turismo, agriculture at fisheries.

Sa kasalukuyan ay dumarami na rin ang mga Timorese na nag-aaral sa mga unibersidad sa Pilipinas sa ilalim ng isang kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa noong 2008.

Si Prime Minister Gusmao ang unang presidente ng East Timor buhat nang ito ay maging malaya noong May 20, 2002 at nagging ikaapat na Prime Minister noong August 8, 2007. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481