Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bilang ng mga Pilipino na sumama sa government repatriation sa Libya, bumaba — DFA

$
0
0

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umupa ang pamahalaan ng isang barko upang sumundo sa mga kababayan nating nasa Benghazi at Misrata sa Libya.

Naghanda rin ng mga eroplano ang Philippine Air Lines upang ibalik sila sa bansa mula Libya.

Ang Libya ay nahaharap ngayon sa kaguluhan dahil sa labanan ng mga militia group sa bansa at humihinang pwersa ng pamahalaan.

Ngunit sa target ng pamahalaan na bilang ng mga Pilipinong maibalik, iniulat ng Department of Foreign Affairs na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong sumama sa ginawang repatriation ng pamahalaan.

“Actually, kumaunti. Maraming nagbago ng isip…,” DFA Spokesperson Charles Jose.

Dagdag pa nito, ang mga Pilipinong nagpatala sa kanila sa Misrata noong August 10 ay nasa 610 ngunit ang sumama ay nasa 365 na lang.

Samantala, sa Benghazi naman, mula sa 490 noong August 09, nasa 477 na lang ang sumama.

Dahil rito, tinatayang nasa 11,000 mga Pilipino pa rin ang nasa Libya at naiipit sa panganib ng naka-ambang civil war duon.

Ayon kay Asec. Jose, sa ngayon ay iniintay pa nila ang ulat ng mga dahilan kung bakit nagbago ang isip ng iba sa pag-uwi sa bansa.

Kaya ang panawagan niya sa mga kamag-anak ng mga Pilipinong ito na narito sa Pilipinas, “ Patuloy nating tinatawagan ang mga kababayan natin dito sa Pilipinas na may mga kamag-anak o kapamilya sa Libya, tulungan kaming hikayatin ang mga OFWs natin doon na lumikas na.”

Sa kasalukuyan, 11,000 Pilipino pa ang naroroon sa Libya.

Ayon kay ASec. Jose, habang may bukas pang major international airport at land border exit, samantalahin na ng mga OFW doon na makauwi ng bansa dahil tiyak na mahihirapan ang pamahalaang tiyakin ang kaligtasan nila at tulungan sila kung lumala pa ang sitwasyon sa Libya.

July 20 nang itaas ng DFA sa alert level 4 ang Libya at ipinag-uutos ng ang evacuation ng halos 13,000 mga Pilipino at hindi rin pinahihintulutan ang pagbiyahe ng sinomang Pilipino papunta roon dahil sa mga nangyayaring kaguluhan. (ROSALIE COZ, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481