Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit sa 8500 martial law victims, nakapaghain na ng compensation claims sa Human Rights Victims’ Claims Board

$
0
0

Halos kalahati na ng bilang ng mga martial law victim ang nkapag-apply na ng kanilang compensation claims sa Human Rights Victims’ Claims Board. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagdagsa ng mga biktima ng martial law sa tanggapan ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) sa University of the Philippines.

Ayon kay Chairperson Lina Sarmiento, mahigit sa 8,500 na ang kanilang natatanggap na aplikasyon.

“Araw-araw ay bukas ang ating opisina at umiikot din kami sa iba-ibang lugar kung saan inaakala natin na maraming naghihintay sa atin.”

Pinakamarami sa mga claimant ay nasa Bicol region, CARAGA at Regions 2,3,4,8 at 11.

Inaasahan nilang  nasa 20 libo ang mga biktima ng martial law ang mag-aapply.

Panawagan ng Claims Board sa mga biktima ng martial law, magsadya na agad sa kanilang tanggapan bago pa man dumating ang itinakdang deadline sa November 10 ngayong taon.

Paghahati-hatian ng kabuoang bilang ng mga nag-apply ang 10 bilyong piso.

Samantala, ibabase naman ang matatanggap na kompensasyon ng mga biktima sa dinanas na panlabag sa karapatang pantao.

“Yung medyo mabigat ang naging pinsala sa kanila, mas malaki ang kanilang makukuha,” ani Chairperson Sarmiento.

Nagpaalala ang Claims Board na walang bayad ang proseso sa pagkuha ng danyos perwisyos at nagbabala rin ito sa mga magsasamantala dahil may kaukulang parusa kung gagawin nila ito.

“Wina-warningan din naming yung nagsasamantala dahil hindi ito basta pagbibigay ng pera eh. Ito ay pagbibigay ng pagkilala sa mga taong nagsakripisyo sa panahon ng martial law.” (Rey Pelayo, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481