Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr., susuporta sa kakandidatong taga-Mindanao sa panguluhan sa 2016 national elections

$
0
0

Dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa programang Get It Straight With Daniel Razon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hinahangad ni dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na magkaroon ng kandidato mula sa Mindanao sa darating na halalan sa 2016, bilang isang kapwa Mindanaoan.

“I’m a born oppositionist. I’m a person from Mindanao, Mindanaoan ako, at kung maaari ay makakakuha ako ng kandidato from Mindanao – viable candidate for presidency – sa Mindanao.”

Gayunpaman, pinangangambahan ni Pimentel na walang Mindanaoan na maaring kumandidato. Pinipilit sana ng dating senador na tumakbo si Mayor Rodrigo “Digong” Duterte ng Davao city, ngunit nagpahayag na ito ng pagtanggi dahil wala na umano ito sa pisikal na kondisyon upang harapin ang mga problema ng bansa bilang pangulo.

Nabanggit din ng dating senador sina Senator Teofisto Guingona III at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga maaring ihanay sa pagkapangulo, subalit bagito pa raw ang mga ito ang marami pang kailangang matutunan upang malunasan ang mga suliranin ng bansa.

Nagpahayag din ito ng suporta para sa pagkapangulo ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 ayon sa mga naging pahayag nito sa programang Get It Straight With Daniel Razon.

Payo ng dating senador kay Binay na ibahagi na sa taumbayan ang kanila plataporma, lalo na para sa Mindanao.

Ayon kay Pimentel, lumalamang man ngayon si VP Binay sa mga survey, wala pa ring katiyakan ang pagkapanalo nito sa 2016 dahil marami pang maaring mangyari bago ang nasabing halalan.

“Jojo ngayon is the leading light of the opposition, there’s no question. Even the surveys show that. Pero ang problema lang ay malayo pa yan, and many things can happen.”

“Ang gusto kong sabihin kay Jojo, while you are leading the surveys for the opposition, kailangang mailabas na rin ang inyong plataporma para sa bayan, how things can be done, especially for Mindanao.” (Gerry Alcantara, UNTV News)

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481