Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga bagong biling assault rifle para sa Phil. Army at Phil. Marines, ipinamahagi na

$
0
0

President Benigno S. Aquino III leads the ceremonial distribution of assault rifles among members of the Philippine Army and of the Philippine Navy (Marines). The President delivered this speech during the event in Camp General Emilio Aguinaldo
CREDITS : Malacañang Photo Bureau

MANILA, Philippines — Ipinamahagi na ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III at Defense Sec. Voltaire Gazmin ang 50,629 unit ng assault rifle.

Ang M4 caliber 5.56 semi at full automatic ay para sa mga miyembro ng Philippine Army at Philippine Marines.

Ayon kay Pangulong Aquino, “Talaga nagagalak po ako sa makasaysayang tagumpay nating ito. Naalala ko po kasi: Sa isang video na napanood ko noong ako po’y nasa Lehislatura pa, mayroon pong Balikatan Exercise kung saan winiwisikan ng langis na WD-40 ‘yung front sight ng armas ng ating kasundaluhan. Ano bang ibig-sabihin nito? Iyon kasing WD-40 na langis—o, ay isang penetrating oil—at ginagamit para sa armas na nangangalawang na at pilit pang pinapagana.”

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang, may approved budget na mahigit 3 bilyong piso (P3,189,627,000.00) o P63,000 para sa isang unit ng armas, subalit nakuha lamang ito ng pamahalaan ng halos 2 bilyong piso (P1, 944,261,591.66) o mahigit P38,000 bawat isa.

Ipinagmalaki pa nito na nakatipid ang pamahalaan ng mahigit sa 1 bilyong piso (P1, 245,365,408.3) na ibibili pa ng mga bagong armas.

“Our troops will become high moral kasi ito yung asawa nila sa giyera pag nasa combat, iba yung confident na magaling yung baril mo tapos magaling ka rin, pag pinagsama mo yung dalawa assured ka na may laban ka for whatever enemy you will confront,” saad ni Catapang.

Tiniyak pa ng heneral na dumaan sa public bidding ang procurement ng mga assault rifle na ibinigay sa Remington, USA.

Malaking tulong naman para sa Philippine Army at Philippine Marines ang mga bagong armas para sa kanilang mga operasyon at pagtatanggol sa bayan.

“Mas magiging epektibo po ngayon ang aming mga sandata dahil sa bagong ibinigay sa amin ng Pang. Aquino,” pahayag ni Pvt. 1st Class Patrick Paul Acala ng Philippine Army.

Para naman kay Philippine Marines Sgt. Jimmy Labeo Jr, “Malaking bagay ito sa mga kasamahan naming marines at buong kasundaluhan kasi mas maayos ito at mas magagamit namin at higit sa lahat mga brand new ito.”

Base sa record, huling bumili ng rifle ang AFP noong 1987 sa ilalim ng Self-Reliant Defense Posture Program. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481