BRAZIL – Isang Cessna airplane ang bumagsak sa coastal city ng Santos, Miyerkules ng umaga.
Nasawi ang lahat ng sakay ng eroplano kabilang na si Brazilian presidential candidate Eduardo Campos na magsasagawa sana ng election campaign.
Ayon sa ulat, papalapag na ang eroplano ngunit nag-swerve ito at bumagsak sa residential area bunsod ng masamang panahon.
Si Campos, 49 taong gulang ay dating governor ng Pernambuco state at naging federal law maker noong 1998 hanggang 2003.
Consistently third rank umano ito sa election poll survey. (UNTV News)