Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pinay worker sa Kuwait, patay matapos umanong tumalon mula sa nasusunog niyang apartment

$
0
0
Ang OFW na kinilalang si Imelda Gabuna na tumalon mula sa kanyang nasusunog na apartment naging sanhi ng kanyang kamatayan. CONTRIBUTED PHOTO.

Ang OFW na kinilalang si Imelda Gabuna na tumalon umano mula sa kanyang nasusunog na apartment naging sanhi ng kanyang kamatayan. CONTRIBUTED PHOTO.

KUWAIT – Isang Filipino overseas worker (OFW) ang nasawi matapos umanong tumalon mula sa nasusunog na apartment na kanyang tinutuluyan sa Kuwait.

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang kinilalang si Imelda Gabuna, 42 anyos, dahil sa tinamong malubhang pinsala sa ulo at katawan.

Sa ngayon ay sinisikap na ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait na maiuwi ang labi nito sa lalong madaling panahon.

Nanawagan naman ang embahada sa mga kaanak ng biktima na agad makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Maynila upang mabigyan ng karampatang tulong sa pagpapauwi sa mga labi ng kanilang kaanak.

Muli ring nanawagan sa mga OFW ang Philippine Embassy sa Kuwait na tumawag sa hotline 112 kapag may emergency upang agad mabigyan ng tulong. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481