
San Antonio Spurs’ Tony Parker (L) goes to the basket against Miami Heat’s LeBron James (C) and Chris Bosh (R) during the first half in Game 1 of their NBA Finals basketball playoff in Miami, Florida June 6, 2013. REUTERS/POOL/Mike Ehrmann
FLORIDA, USA — Naikonekta ni veteran point guard Tony Parker ang crucial na sixteen-foot jumper sa kanang bahagi ng ng court upang selyuhan ang Game 1 victory ng San Antonio Spurs sa final series kontra Miami Heat, sa score na 92-88.
Mahigit pitong minuto sa fourth period nang maagaw ng Spurs ang abante sa pamamagitan ng dalawang free throw ni Parker sa score na 77-76.
Pinangunahan ng french playmaker ang Spurs sa pamamagitan ng 21 points na pinangalawahan ng 20 points na Tim Duncan na mayroon ding 14 rebounds.
Idaraos ang game 2 sa home court pa rin ng Miami sa American Airlines Arena sa Linggo o Lunes ng umaga sa Pilipinas. (UNTV News)