MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon ay inilunsad ng Philippine Army ang kanilang “Project Shoebox”.
Sinabi ni Lt. Gen. Noel Coballes, Commanding General ng Philippine Army na layunin ng proyekto na mamahagi ng shoe boxes na naglalaman ng iba’t ibang gamit pang-eskwela para sa mga mahihirap na mag-aaral.
“Objective is to provide school mats and some health care items particular to those who can’t provide for themselves.”
Sa taong ito, 40-libong shoe boxes ang ipadadala ng Philippine Army sa mga estudyante na naapektuhan ng bagyong Pablo sa Davao Oriental at Compostela Valley.
Bukod pa ito sa 10-libong ipamamahagi naman sa mga estudyante sa Isabela at Tarlac.
Unang isinagawa ang nasabing proyekto noong 2012 ng 4th Light Armor Battalion katuwang ang Department of Education (DepED) at ilang pribadong kumpanya.
Nabiyayaan nito ang 93 na mga paaralan sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Tagalog at Bicol Region kung saan mahigit 16-libong mag-aaral ang naging benepisyaryo. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)