MANILA, Philippines – Iginiit ng mga kaalyado ni Senador Juan Ponce-Enrile na hindi drama ang ginawa nitong pagbibitiw bilang lider ng Senado noong Miyerkules taliwas sa sinasabi ng mga kritiko.
Ayon kay acting Senate President Jinggoy Estrada, ikinagulat niya ang ginawang talumpati ni Enrile sa pagtatapos ng sesyon lalo na ang desisyon nitong bitawan na ang kanyang posisyon.
“There was no theatrics here, hindi ito sarswela, hindi ito drama, siguro napuno na rin si senate president.”
Ayon kay Estrada, kung nalaman niya ng mas maaga ang plano nitong magbitiw sa pwesto ay pipigilan niya ito.
“Sasabihin ko sana “Manong” I think it might b useless for you to resign, there will only two session days to go, well find out on July 22,” pahayag pa ni Estrada.
Sa pagbubukas ng sixteenth congress sa July-22, inaasahang magbobotohan ang mga senador para sa bagong senate president.
Ayon sa mga kaalyado ni Enrile, isusulong pa rin nila na maging lider ng senado ang beteranong mambabatas subalit kung mananaig ang common candidate ng administrasyon ay otomatikong magiging minority leader si Enrile. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)