Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga estudyante, hindi obligadong sumama sa mga educational trip – CHED

$
0
0

Commission on Higher Education (CHED) logo

MANILA, Philippines — Hindi maaaring pilitin ang sinomang estudyante na sumama sa mga field trip.

Ayon kay Atty. Julito D. Vitriolo, Executive Director IV ng Commission on Higher Education (CHED), bagama’t may mga paaralan na kasama sa curriculum ang educational field trip, maaari namang hindi sumama dito.

“Ang ginagawa ng iba, meron silang film showing tapos merong analysis na gagawin para ka na ring nakapunta doon sa lugar.”

Nilinaw din ni Vitriolo na hindi rin kailangan ang waiver kundi dapat ay alam ng magulang at estudyante kung saan ang field trip.

“Ang aming regulasyon ay yung permiso ng mga magulang or consent nila na sumama hindi perse waiver. Kasi ang waiver sa batas ay maaaring baka labag sa batas yan eh o tinatawag natin na labag sa public policy kasi hindi naman pwedeng i-surrender ng mga magulang at ng mga estudyante yung kanilang karapatan,” saad nito.

Ayon pa sa komisyon, dapat ay nakaabiso sa kanila ang isasagawang field trip ng mga paaralan.

Marapat din na bago bumiyahe ay mayroong briefing o ipapaalam sa mga estudyante at magulang ang detalye ng pupuntahan lalo na kung medyo delikado ang pupuntahang lugar.

Dapat din ay mayroong medical clearance ang mga participant at insurance maging ang pagkakakilanlan sa tour guide o operator.

Dapat din na may ugnayan sa Local Government Unit upang makahingi ng saklolo kung sakaling magkaproblema.

“Kailangan maging transparent ang paaralan dyan meron silang briefing na gagawin ipapakita yung risk involve,” saad pa ni Vitriolo.

Samantala, iniimbestigahan na ng CHED kung may pagkukulang sa isinagawang field trip ng mga estudyante ng Bulacan State University (BSU) kung saan 7 ang nasawi.

Ani Vitriolo, “Ang unang nakita ng aming regional office dyan ay mukang di ata dumaan sa aming mga proseso yung naganap na field trip kaya alam mo medyo strikto yung ating regulasyon sa educational field trip maraming requirements at may mga assessment na ginagawa.”

Bukod sa posibleng administrative sanction ay posibleng maharap din sa civil liability ang paaralan depende kung magsasampa ng kaso ang mga kamaganak ng mga biktima. (Rey Pelayo / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481