MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng kamatayan ng kanilang ama na si dating senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park, Parañaque City kahapon, araw ng Huwebes.
Kasama ng pangulo ang kaniyang mga kapatid na sina Kris, Ballsy, Viel Aquino at mga pamangkin nito.
Dumating din sa pagtitipon si Senate President Franklin Drilon, Department of National Defense Secretary Voltaire Gazmin at Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.
Sa mismong puntod ni dating senador Ninoy ay nagkatipon ang mga kaanak ni Pangulong Aquino.
Halos isang oras lamang tumagal ang programa dito.
Ayon sa Malakanyang, ang araw na ito ay mahalaga upang gunitain ang mga ipinaglaban ni Ninoy.
“For those on the time, no one will forget where they are in August 21, 1983 when the tragic news of Ninoy Aquino’s assassination spread to the great fight his supreme sacrifice of 3 years sustain power efforts to bring back democracy and peaceful means,” pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda.
Maging ang mga hindi kakilala ng pamilya Aquino ay nagtungo rin sa Memorial Park at ang iba naman ay may kaniya-kaniyang pamamaraan sa paggunita sa kamatayan ni Ninoy. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)