Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ninoy Aquino medals of valor, iginawad sa 8 natatanging freedom fighters

$
0
0

Ginunita ng Ninoy Aquino Movement ang ika-31 death anniversary ni dating Senator Ninoy Aquino sa tarmac ng NAIA Terminal 1 kung saan ito ina-sassinate (UNTV News)

MANILA, Philippines — Walong distinguished freedom fighters ang pinarangalan ng Ninoy Aquino Movement (NAM) kasabay ng paggunita ng ika-31 anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kahapon, araw ng Huwebes.

Ito ang mga freedom fighter at human rights advocate na tumulong sa pagpapabalik ng demokrasya sa bansa.

Isa sa mga pinarangalan ay si Vice President Jejomar Binay kung saan kinilala ang pagiging human rights lawyer at advocate ng bise presidente noong panahon ng Martial Law.

“Tinatanggap ko ang medal na ito sa ngalan ng hindi mabilang na mga kababayan nating nagsakripisyo na labanan ang batas militar. Marami sa kanila ang hindi pa nakatanggap ng hustisya sa ginawa sa kanila… naranasan ng mga nabilanggo, namatay at desaparacidos.”

Kabilang rin sa mga NAM awardee si dating US President James Earl “Jimmy” Carter; ang yumaong dating Hong Kong Bureau Chief ng Time Magazine na si Sandra Burton; dating Associated Press Bureau Chief at Foreign Correspondent Arnold Zeitlin; ang Yumaong Educator na si Alejandro Roces; ang Martial Law activist Fernando Martin Peña; abogadong si Charito Planas, at ang grupong International Lawyers Committee for Human Rights.

Ang naturang commemoration ay isinagawa mismo sa tarmac ng NAIA Terminal 1 kung saan binaril ang dating senador at ama ng kasalukuyang pangulo ng bansa na si President Benigno Aquino III.

Ayon kay NAM founding chairman at dating senator Heherson Alvarez, ang commemoration ay tradisyon na simula nang maibalik ang demokrasya sa bansa noong 1986.

Bawat taon ay isinasagawa ang paggunita sa Ninoy Aquino International Airport kung saan naglagay na ng isang historical plaque.

Ngayong taon, katuwang ng NAM ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng pagkamatay ni Ninoy.

Dumalo rin sa seremonya sina NAM President Raul Daza at Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado.

Samantala, bagama’t hindi nakadalo sa pagtitipon ay nagpadala naman ng kinatawan si Pangulong Aquino.

Una nang sinabi ng pangulo na kaisa siya ng buong sambayanang Pilipino sa paggunita ng martyrdom ng kanyang ama.

Aniya, ang buhay, hirap at pagkamatay ng kanyang ama ay paalala sa bawat Pilipino na obligasyon ang magbigay ng bahagi ng sarili para sa bayan.

Umaasa rin ng pangulo na mananatiling matatag ang ating mga kababayan upang maisakatuparan ang pangarap ng kanyang ama para sa bansa. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481