Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit 100, sugatan sa 6.0 na lindol sa California; State of emergency, idineklara na

$
0
0

An unidentified woman walks past damage to a downtown building in Napa, California August 24, 2014.
CREDIT: REUTERS/JIM CHRISTIE

SAN FRANCISCO, California — Nagdeklara na ng state of emergency si California Governor Jerry Brown matapos ang magnitude 6.0 na lindol na naramdaman kaninang madaling araw sa northern California.

Sa lakas ng lindol, ilang gusali ang napinsala sa paligid ng Napa, Sonoma at Santa Rosa bukod pa sa mga naitalang sunog bunsod ng lindol.

“We have probably 100 plus gas leaks, power lines down, medical calls are in the neighborhood of about 80 plus at this time. Queen of the Valley Hospital has been inundated with patients all related to the trauma related incidences after the earthquake. One major incident of a fireplace falling on a young child. A young person is in critical condition, has been flow out for a neuro-center,” pahayag ni John Callahan, Operations Chief ng Napa Fire Department.

Bukod dito ay nagkaroon din ng ilang pagbaha sa lugar dahil sa mga nasirang water pipe.

Ayon kay Jack La Rochelle, Director ng Napa Public Works, “The big thing that we’re looking at right now from a public works standpoint is the water main system, our whole water system. There’s been a reported 30 water main leaks or breaks, a lot of them in the Brown’s Valley area which is west of town and that’s to be expected. That’s in a geologic area that’s more susceptible to damage.”

Sa ulat ng US-geological survey, aabot sa 15-libong residente ang nakaranas ng matinding pagyanig partikular ang mga nakatira sa Napa, ang sentro ng lindol.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa mahigit isang daan ang bilang ng mga iniulat na nasaktan, habang nasa 15-libong residente naman ang walang kuryente sa northern California.

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sa ngayon ay wala pang silang ulat na natatanggap na may mga Pilipinong nasugatan sa lindol.

Mahigit tatlong daan at walumpung libong pilipino ang kasalukuyang namamalagi sa San Francisco Bay Area.

Huling nakaranas ng malakas na lindol ang San Francisco Bay Area noong 1989. (Christie Rosacia / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481