Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Team Gilas, tinalo ang Egypt sa tune-up game sa Guadalajara Spain

$
0
0

Ganap na nabigyang wakas ng Gilas Pilipinas ang five-game losing streak matapos na talunin ang Egypt 74-65 sa pocket tournament Palacio Multiuso Guadalajara sa Spain (UNTV News)

GUADALAJARA, Spain — Matapos ang five-game losing streak, nakasungkit rin ng panalo ang Gilas Pilipinas kontra Egypt, 74-65.

Ginamit ng Gilas ang 17-5 salvo sa pangunguna ng hot shot na si Jeff Chan para makuha ang abante.

Pinangunahan ni Jeff Chan ang Gilas sa pamamagitan ng 20 points, Andray Blatche (14 pts), Marc Pingris (12 pts) at Junmar Fajardo (8 pts).

“Maganda yung nilaro namin, saka nagpapasalamat kami sa mga fans na nandito,” pasasalamat ni Team Gilas center, Junmar Fajardo.

Sa fourth quarter, pinilit pang humabol ng Egypt ngunit pinigil ito ng pinagsamang walong puntos ni Chan at Ranidel De Ocampo upang mabigyang wakas ang kanilang five-game losing streak.

Nagpasalamat si De Ocampo sa mga Pilipino sa Spain dahil sa mainit na suportang natanggap ng national team.

“Talagang mahirap ang laban, pero talagang nakakatulong talaga yung suporta ng mga kababayan natin dito. Mga pilipino na walang sawang sumusuporta, nagdadasal para sa atin,” saad ni Team Gilas forward, Ranidel De Ocampo.

Maging si Marc Pingris ay nagpasalamat ng malaki sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga kababayang Pilipino sa Spain.

“Puso lang po ang puhunan namin ditto, tsaka yung suporta niyo po. So, God bless po… para po sa inyo po ang lahat ng laro namin.”

Sa lahat ng kababayan natin dito sa Guadalajara, and throughout Spain we thank you so much for your support,” saad naman ni team captain Jimmy Alapag.

Ngayong gabi ay makakalaban naman ng Team Gilas para sa kanilang huling tune-up game ang mas malakas na koponan ng Dominican Republic. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481