Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

DepED, magbibigay ng solar libraries sa mga eskwelahan na walang kuryente

$
0
0

DepEd facade (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sa layuning makapagbigay ng sapat na edukasyon sa mga kabataan, magbibigay ang Department of Education (DepED) at Stiftung Solarenergie Foundation ng mga solar library sa iba’t-ibang eskwelahan sa bansa upang lalo pang mapagibayo ang kaalaman ng mga kabataang Pilipino.

Sa pamamagitan ng “Light for Education” program, sampung eskwelahan ang mabibigyan ng solar energy libraries partikular na ang mga lugar na walang suplay ng kuryente.

Kabilang dito ang mga eskwelahan sa probinsya ng Rizal, Panay, Socksargen at Palawan.

Ayon kay DepED Assistant Secretary Jess Mateo, makatatanggap ng mula 20 hanggang 500 solar reading lights ang mga eskwelahan depende sa bilang ng mga estudyanteng benepisaryo.

“Pakay nito na dun sa mga areas na walang kuryente, ang gagamitin natin ang alternative source of energy yun nga yung solar.”

Bukod sa solar reading lights, makatatanggap din ang mga guro ng solar charging stations na makatutulong para sa mas epektibong pagtuturo sa kanilang mga estudyante.

Maaari ring iuwi ng mga estudyante sa kanilang mga tahanan ang solar reading light isang beses sa isang linggo upang makatulong sa kanilang pag-aaral tuwing weekends.

Batay sa isinagwang pagaaral ng Rural Electrification for Economic Development, madadagdagan ng 45 porsiyento ang oras na maaaring gugulin ng isang estudyante sa kanyang pagaaral sa tulong ng solar library.

Makatutulong din ito upang lalo pang mapagbuti ang kaalaman ng mga magaaral.

Umaasa ang DepED at Stiftung Solarenergie Foundation na sa tulong ng programa ay magiging madali na para sa mga kabataang Pilipino ang pagkakaroon ng mas malawak at sapat na edukasyon sa kabila ng kanilang kahirapan. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481