Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dennis Roldan, guilty sa kasong kidnapping

$
0
0

FILE PHOTO: Gavel. (Reuters)

MANILA, Philippines – Guilty ang naging hatol ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 sa aktor at dating Quezon City Congressman na si Dennis Roldan sa kasong kidnapping.

Sa kanyang ruling, sinabi ni Presiding Judge Rolando Mislang, may sapat na ebidensya na magpapatunay na sangkot si Roldan o Mitchell Gumabao sa pagdukot sa tatlong taong gulang na Filipino-Chinese na si Kenshi Yu noong 2005.

Ipinag-utos na rin ni Judge Mislang ang pagdadala kay Roldan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Nakatakda namang umapela si Roldan sa naging hatol sa kanya ng korte. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481