Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P16.9-B proposed budget ng COMELEC, pasado na sa Senate Committee on Finance

$
0
0
Commission on Elections (COMELEC) logo (UNTV News)

Commission on Elections (COMELEC) logo (UNTV News)

MANILA, Philippines – Aprubado na ng Senate Committee on Finance ang budget proposal ng Commission on Elections na nagkakahalaga ng P16.9 billion para sa 2015 at inirekomenda na para sa plenaryo.

Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr, naniniwala syang sapat ang pondong ito para sa 2016 elections.

Sakaling kapusin, maaring magre-allign ang komisyon ng budget na magmumula sa savings ng ahensya.

“Preparation for 2016 elections will be done in 2015 which means we shall close our preparations by the end of 2015.”

Ang pinoproblema na lamang ng komisyon ay ang makinarya na kanilang gagamitin sa eleksyon.

Nais ng comelec na bumili ng brand new machines.

Ngunit matapos na ibaba sa P16.9 billion ang kanilang budget ay posibleng gamitin pa rin ang 81,000 na PCOS machines na binili noong 2012 at magdagdag na lang ng mga bagong makina kung sakali.

“This is what under study before the commission en banc as what originally in vision or new or a mix as proposed under budget,” saad pa ni Brillantes.

Samantala, pinagaaralan pa rin ng komisyon kung sa kumpanyang Smartmatic magmumula ang karagdagang PCOS machines dahil may mga potential bidder para sa MOR o Optical Mark Reader.

Ayon sa Comelec Advisory Council, hindi dapat magkakaiba ang teknolohiya ng mga gagamiting makina.

Aprubado na rin kanina ng Senate Committee on Finance ang budget ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Human Rights (CHR) Presidential at Legislative Liason Office.

Tatlong senador ang humarap sa pagdinig kabilang sina senador Chiz Escudero chairman ng komite, Acting Minority Floor Leader Tito Sotto at Nancy Binay mula sa minorya. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481