Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, dumadalo sa 22nd World Economic Forum sa Myanmar

$
0
0

President Benigno S. Aquino III exchanges views with His Excellency U Thein Sein, President of the Republic of the Union of Myanmar during the bilateral meeting at the Presidential Palace in Nay Pyi Taw, Myanmar on Friday (June 07, 2013). Diplomatic relations between the Philippines and the Republic of the Union of Myanmar were established on September 29, 1956. (PLDT powered by SMART) (Photo by: Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau).

MANILA, Philippines — Pasado alas-8 ng umaga kanina nang tumulak si Pangulong Benigno Aquino III sa Nay Pyi Taw, Myanmar upang dumalo sa ika-22 World Economic Forum on East Asia summit.

Sa kaniyang departure speech sa NAIA Terminal 2, sinabi ng pangulo na mabuting pagkakataon ito upang maipabatid sa ibang bansa ang pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas at bilang paghahanda na rin sa 2014 World Economic Forum na isasagawa sa bansa.

“Lalong naging makabuluhan ang pagdalo natin dito dahil nakatakdang ganapin ang World Economic Forum on East Asia 2014 dito sa bansa, pagkakataon ito upang ipaalam ang kakaibang sigla ng ating ekonomiya sa tuwid na landas.”

Magkakaroon rin ng bilateral meeting si Pangulong Aquino kay Myanmar President Theim Sein at opposition leader Aung San Suu Kyi upang bumuo ng mga plano na magpapaigting sa kalakalan at seguridad ng mga bansa.

Inaasahang aabot sa 900 ang mga kalahok mula sa 55 bansa ang dadalo sa 2013 World Economic Forum.

Ayon sa Presidente, pagkakataon din ito upang makahikayat ng mga potential foreign investor.

“Umaasa po tayo na magiging mabunga ang palitan ng mga ideya kasama ang mga nasabing pinuno upang pagmulan ng mga kasunduang magpapatibay sa ugnayan at magdudulot ng kaunlaran sa ating bansa.”

Ayon sa ulat, kabilang sa mga delegado ng pangulo patungong Myanmar sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert del Rosario, National Economic and Development Authority (NEDA) head Arsenio Balisacan, Trade Secretary Gregory Domingo, Energy Secretary Carlos Jericho Petilla, at Budget Secretary Florencio Abad.

Nagkakahalaga ng anim na milyong piso ang pondong inilaan sa biyahe ng pangulo at kaniyang mga delegado sa Myanmar.

Ngayong gabi ay inaasahan ring babalik ng bansa ang pangulo. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)

Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481