Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y overpriced cakes na ipinamamahagi ng Makati City gov’t, “hula lamang”– Atty. Bondal

$
0
0

Atty. Renato Bondal (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inamin ni Atty. Renato Bondal na hinulaan lamang niyang overpriced ang mga cake na ipinamamahagi sa mga senior citizen sa Makati City.

Ginawa ni Bondal ang pahayag nang tanungin ni Sen. Tito Sotto kung ano ang basehan nito sa pagsasabing nagkakahalaga ng isang libong piso bawat isa ang mga nasabing cake.

Agad namang nilinaw ni Makati City Administrator Eleno Mendoza na nagkakahalaga lamang ng P306.75 ang cake ng Makati City government.

Hiningi naman ni Bondal sa Senate Blue Ribbon Committee na ipa-subpoena ang kopya ng mga tseke na ginamit sa pagbabayad ng mga cake upang malaman ang tunay na presyo nito. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481