Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Filipino peacekeepers sa mga bansang apektado ng Ebola, dadaan muna sa matinding pagsusuri bago pauwiin sa bansa – DOH

$
0
0

(Left -Right) Department of Health (DOH) Assistant Secretary Eric Tayag at Department of Foreign Affairs (DFA) Charles Jose (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tiniyak ngayon ng Department of Health (DOH) na isasailalim muna sapagsusuri ang mga Filipino peacekeeper na nasa mga lugar na mayroong Ebola outbreak bago pauwiin upang masigurong hindi makapapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit.

“May first line of defense dun, isa-isahin sila sapagka’t hindi makakauwi kung hindi sila papasa sa screening, kapag may sakit ka, malamang sa hindi ka papayagang umuwi,” pahayag ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa mahigit tatlong daang Filipino peacekeepers ang kasalukuyang naka-deploy ngayon sa Golan Heights, habang nasa mahigit dalawang daan naman sa Liberia.

Nakatakdang umuwi ang mga Pinoy peacekeepers sa darating na Oktubre dahil sa posibilidad na mahawa ang mga ito ng naturang sakit.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, posibleng ma-quarantine ang mga uuwing peacekeepers pagdating nito sa bansa upang tiyakin na negatibo ang mga ito sa Ebola virus.

“They would be quarantine because of the incubation period is from 2-21 days so maybe they have to be quarantine under the period to make sure they don’t have the Ebola virus,” saad nito.

Ayon pa kay Jose, posibleng sa Reseach Institute for Tropical Medicine (RITM) i-quarantine ang mga peacekeeper.

Tiniyak naman ng DFA na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil patuloy ang mahigpit na pagmomonitor ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng naturang nakamamatay na sakit.

Umaasa rin ang DFA na hindi makaaapekto sa magandang relasyon ng Pilipinas sa United Nations ang gagawing pagpapauwi sa mga Pilipinong peacekeeper. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481