MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Department of Education Secretary Armin Luistro ang pag-turnover sa mga bagong classroom sa Eulogio Rodriguez Integrated School Mandaluyong City, kahapon ng umaga, Miyerkules.
Ang tatlong palapag na gusali na binubuo ng labing walong bagong silid aralan ay magagamit na ngayon bilang mga karagdagang classroom ng mga mag-aaral.
Ayon sa pamunuan ng ERIS, malaking tulong ito para sa kanila upang hindi na magsisikan ang kanilang mga estudyante sa bawat klase.
Malaki naman ang pasasalamat ni Secretary Luistro sa mga opsiyal ng Mandaluyong sa patuloy na pagtataguyod ng sapat na edukasyon sa lungsod. (UNTV News)