Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pamilya Kiram, nababahala sa umano’y extradition sa kanila sa Malaysia

$
0
0
Ang mag-amang sina Princess Jacel Kiram at King Jamalul Kiram III ng Sultanato ng Sulu. (UNTV News)

Ang mag-amang sina Princess Jacel Kiram at King Jamalul Kiram III ng Sultanato ng Sulu. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwan na pananahimik ay muling nagpatawag ng press conference ang Sulu Sultanate sa Taguig City.

Ayon kay Abraham Idjirani, tagapagsalita ng Sultano ng Sulu, nababahala ang Pamilya Kiram sa natanggap na impormasyon na binabalak ng pamahalaang Pilipinas na isuko sila sa Malaysian government.

“Ang ating tatalakayin po ay tungkol sa plano ng Malakanyang na kung saan reliable source ang umabot sa amin na may plano nang ipadala si Sultan Jamalul Kiram III, ang kanyang kasamahan sa Kuala Lumpur.”

Umapela naman si Sultan Jamalul Kiram III kay Pangulong Benigno Aquino III na sana’y tulungan sila dahil sila rin ay mga Pilipino.

“Mr. President, huwag mong kalimutan na akoy Pilipino rin, mas nauna pa akong Pilipino kaysa iyo, wala pa kayo, kayo sa Pilipinas meron ng Muslim. Please tulungan mo naman ang kalahi mo, tulungan mo naman pagkat pareho tayong Pilipino. Tulungan nyo kami, huwag nyo kami pabayaan, huwag mo kami ibigay sa Malaysia, ano ba kami anak ng pusa…”

Nagpakita naman ng suporta ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at si dating congressman Satur Ocampo sa Sultanato ng Sulu.

Anila, dapat resolbahin ang isyu sa mapayapang paraan at tutol sila sa nasabing plano ng pamahalaan.

Sa ngayon ay tumanggi munang magkomento ang Malakanyang sa naturang isyu partikular sa balitang pag-extradite sa mga Kiram sa Malaysia.(Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481