Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Planong pagbili ng mga segundamanong tren para sa MRT-3, hindi na itutuloy ng DOTC

$
0
0
FILE PHOTO: MRT 3 coaches (CONTRIBUTED PHOTO)

MRT 3 coaches (CONTRIBUTED PHOTO)

MANILA, Philippines — Hindi na bibili ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng mga second hand train coaches para sa MRT-3.

Sa isang text message na ipinadala ni DOTC Secretary Jun Abaya, sinabi nito na hindi na itutuloy ng pamahalaan ang pagbili ng mga segundamanong tren.

Paliwanag ni Abaya, mahal ang magiging maintenance cost at matatagalan pa ang delivery sa train coaches na manggagaling pa sa Espanya.

Posibleng aniyang abutin pa ng dalawang taon bago mai-deliver ang mga tren sa Pilipinas.

“We are veering away from second-hand trains because the timeline does not show much advantage plus the fact of higher maintenance cost.”

Matagal nang inaalok ng Spain ang Pilipinas na bumili sa kanila ng coaches dahil sa problema ng mahabang pila sa mga MRT station lalo na kung rush hour.

Sa kasalukuyan ay mayroong 640,000 na mga pasahero ang sumasakay sa MRT-3 araw-araw, 500,000 sa LRT-1 at 350 sa LRT-2.

Buhat nang magsimula ng operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), umaabot lamang sa halos 300 ang pasahero nito sa isang biyahe, pero umaabot na ito ngayon ng 400 at lumalagpas pa ng 500 tuwing rush hour.

Ayon kay Abaya, sa ngayon ay tutukan muna ng DOTC ang bidding para sa one year temporary maintenance project ng MRT-3. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481