MANILA, Philippines — Mga miyembro ng grupong tinaguriang USAFFE ang tatlong lalake na nahuli noong Lunes ng madaling araw sa parking lot ng NAIA Terminal 3 na may mga dalang pampasabog sa loob ng sasakyan.
Kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel San Pedro, Sonny Yohanon at ang nagpakilalang lider na si Granduer Pepito Guerrero.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, isa sa apat na nakuhang Improvised Incendiary Device o IID ay pasasabugin sa NAIA Terminal 3 at ang tatlo ay sa SM Mall of Asia.
“Ang info na nakuha natin dadalhin sa loob ng comfort roon ng NAIA 3 at 3 dadalhin sa comfort room ng SM Mall of Asia at doon nila pasasabugin,” saad ni NBI-AOTCD Head, Atty. Rommel Vallejo.
Sa SM MOA may kasuap na rin sila para maipasok,” dagdag nito.
Ayon sa NBI, kung sumabog ang IID, ang sinomang nasa loob ng 5-10 meter radius ay maaring masugatan o masawi.
Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, diskontento umano ang mga ito sa pamahalaan kaya balak maghasik ng kaguluhan .
“Ang kanilang isinusulong from initial investigation is yung parang hindi sila kuntento, frustrated daw po sila doon sa nagiging stance ng pamahalaan kontra sa China. Para sa kanila masyado, daw pong malambot ang administrasyon. They want this administration to espouse a tougher stance in its dispute with China. This is a misguided group.”
Bukod sa pambobomba, kasama sa plano ang pagbabarilin ang embahada ng China at isang DMCI building sa Makati.
August 25 unang binalak isagawa ang kanilang na magkasik ng karahasan pero hindi natuloy.
Noong Lunes, tinangka nilang ituloy ang plano ngunit binigo sila ng NBI matapos makatanggap ng impormasyon noong linggo ng gabi sa kinaroroonan ng mga suspek.
Ayon kay De Lima, ang planong paghahasik ng gulo sana nitong Lunes ay umpisa pa lamang ng serye ng isasagawang pambobomba.
Isang manifesto din ang narecover ng NBI sa mga suspek na naglalaman ng kanilang kapag ako sa pangyayari at balak ipakalat sakaling matuloy ang plano.
Nakasaad dito na sila umano ay mga dating kasapi ng NPA at MNLF na bumubuo sa kilusan laban sa pananakop.
“Certainly hindi lang tatlo. Inaalam din naming kung yun ba talaga ang agenda nila o ‘yan lang ba mayroon pa bang iba, is it just really about dispute with China,” ani Sec. De Lima.
Dagdag nito, “si Guerrrero admitted that he is a member of guardian. Si Guerrero pa lang nagsabi.”
Subalit itinanggi ng abogado ng mga suspek ang mga akusasyon laban sa kaniyang mga kliyente at sinabing na frame up lamang ang mga ito.
“Yung kotseng nahuli ay hiniram ng kaniyang kaibigan, hindi alam kung anong balak. Kung may ikinarga yung kaibigan hindi niya rin alam,” pahayag ni Atty. Oliver Lozano, abogado ng mga suspek.
Nanindigan din ang abogado na hindi bahagi ang mga suspek ng anumang planong pabagsakin ang pamahalaan.
Kahapon, isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of explosives at illegal possession of firearms.
Itinakda naman sa September 12 ang preliminary investigation sa kanila.
Pinag-aaralan na rin na sampahan ng reklamong conspiracy to commit terrorism ang mga suspek. (Victor Cosare, UNTV News)