Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ban sa 15 Taiwan-made products, walang kinalaman sa pagkasawi ng Taiwanese fisherman — Malacañang

$
0
0
FILE PHOTO: Deputy Spokesperson Edwin Lacierda and Google Map of Balintang Channel

FILE PHOTO: Deputy Spokesperson Edwin Lacierda and Google Map of Balintang Channel

MANILA, Philippines – Binigyang diin ng Malacañang na walang halong pulitika ang pagbabawal ng Food and Drug Administration (FDA) sa ilang produkto mula sa Taiwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kalusugan lamang ng mga Pilipino ang ikinukonsidera ng pamahalaan.

Hindi rin umano dapat isipin na ganti ito ng Pilipinas sa mga sanction na ipinataw ng Taiwan dahil sa kaso ng pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman.

“There is imperical evidence why they were banned because of the presence of certain ingredient… It has nothing to do with politics; it has nothing to do with the present situations that were in Taiwan.”

Batay sa inilabas na advisory ng FDA, 15 Taiwanese product ang bawal bilhin o ilabas sa merkado dahil kontaminado ito ng tinatawag na maleic acid.

Ito ay isang sangkap na ginagamit sa paggawa ng mga plastic product, automotive parts at mga tubo na nakasasama umano sa kalusugan ng tao.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang Malacañang na sa lalong madaling panahon ay maayos na ang anumang isyu sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481